91.5 Big Radio
Gusto ko Daku!

YELLOW WARNING,NAKATAAS SA METRO MANILA

Bagamat bahagyang humina ang Bagyong Helen, patuloy parin nitong pina-iigting  ang southwest monsoon o Hanging Habagat na nagdadala ng pag-ulan sa Metro Manila.

Alas-11:10 ng umaga, itinaas na ang yellow warning signal sa Metro Manila dahil sa inaasahang moderate to heavy rains o 7.5 hanggang 15 milliliters per hour (mm/hr) na volume ng ulan sa susunod na tatlong oras.

Nagsisilbi itong babala sa mga residente sa mababang lugar at malapit sa ilog dahil sa posibleng pagbaha.

Ayon sa PAGASA mararanasan ang ulang dala ng Habagat hanggang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Helen.

August 15, 2012 @ 02:34 PM