91.5 Big Radio
Gusto ko Daku!

SINTOMAS NG CORONAVIRUS AT SARS, MAGKAIBA – DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi pa masasabing magkapareho ang severe acute respiratory syndrome (SARS) na tumama sa China sa bagong coronavirus na umano’y kumakalat ngayon sa Middle East.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Tayag,  natuklasang may mga pagkakaiba sa sintomas ang mga taong tinamaan ng coronavirus at ng SARS.

Ang taong tinamaan ng coronavirus ay kakikitaan ng mga sumusunod na sintomas;

1. hirap sa paghinga

2. ubo

3. renal failure o kidney failure

Samantalang sa SARS lumilitaw ang sumusunod;

1. hirap lang huminga

2. ubo

3. lagnat

4. diarrhea

Binigyang diin din ng DOH na matagal nang laganap sa mundo, maging sa Pilipinas ang coronavirus pero ang nakapatay sa isang pasyente sa Saudi Arabia ay tila mas mabagsik na uri ng naturang virus.

Ayon pa kay Tayag, sa ngayon ay hindi pa rin malinaw kung ano at saan nagmula ang bagong coronavirus bagama’t una nang lumitaw sa imbestigasyon na “yung tatlong kasong nireport na may bagong coronavirus ay tumira o nanggaling sa Kingdom of Saudi Arabia.”

Sa ngayon, wala pa rin anyang ipinatutupad na travel restrictions dahil bukod sa hindi naman nakahawa ang mga tinamaan ng naturang virus ay maaaring mahirapan nang bumiyahe ang sinumang magkasakit nito.

September 27, 2012 @ 01:25 PM