91.5 Big Radio
Gusto ko Daku!

PRESYO NG MGA PANGUNAHING BILIHIN TUMAAS

Tumaas  ang  presyo ng ilang pangunahing bilihin dahil sa pananalasa ng bagyong Helen.

Kabilang dito ang presyo ng isda, manok, baboy ganun din ang mga gulay tulad ng pechay, mustasa, siling pula, cauliflower at iba pa.

Ang naturang price hike ay dahil sa hindi maibiyaheng mga produkto mula sa iba’t ibang probinsya patungong Maynila bunsod ng pagbaha at mga nagsarang kalsada.

Kasalukuyang nasa 90 hanggang 130 pesos ang kilo ng Bangus; ang Tilapia ay umabot na sa 90 hanggang 100 pesos ang kilo; habang ang Galunggong ay tumaaas sa 110 hanggang 120 pesos maging ang Baboy ay mabibili na sa halagang 155 hanggang 165 ang isang kilo at Manok na tumaas sa 110 hanggang 120 pesos isang kilo.

 

August 16, 2012 @ 02:19 PM