91.5 Big Radio
Gusto ko Daku!

MAGANDANG PANAHON, TUTULONG SA PAGBABA NG PRESYO NG PANGUNAHING BILIHIN

Umaasa ang Department of Trade and Industry (DTI) na  maibalik sa normal na sirkulasyon ang pagbebenta ng mga pangunahing bilihin dahil narin sa patuloy na pag-ganda ng panahon.

Ayon sa DTI, bahagyang bumaba ang presyo ng isda samantalang nananatiling mataas pa rin ang presyo ng mga gulay  tulad ng repolyo, baguio beans, okra at kangkong na buhat ng Benguet, dahil narin sa nakaraang sunod-sunod na sama ng panahon.

Samantala, bente hanggang trenta pesos naman ang ibinaba ng mga isdang tilapia, bangus, at galunggong.

 

August 17, 2012 @ 01:32 PM