91.5 Big Radio
Gusto ko Daku!

MAALIWALAS NA PANAHON NGAYONG LONG WEEKEND, INAASAHAN – PAGASA

Makakaranas ng magandang panahon ang  bansa ngayong long weekend. Ito ang pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)  matapos na kumpirmahin na malayo na sa Philippine Area of Reponsibility (PAR) ang Bagyong Helen.

Wala na ring namataang low pressure area (LPA) na mabubuo sa PAR, sa loob ng tatlo hanggang limang araw, dagdag ng PAGASA.

Dahil dito asahan umano ang maaliwalas na panahon ngayong long weekend.

August 17, 2012 @ 01:26 PM