91.5 Big Radio
Gusto ko Daku!

KAGAMITAN MULA U.S., MAKAKATULONG SA PAGHAHANAP KAY ROBREDO

Mananatiling search and rescue at hindi pa retrieval operation ang gagawin sa Masbate dahil hindi pa natatagpuan ang buong wreckage at hindi parin nawawala ang pag-asang matatagpuan ang grupo ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo .

Inaasahang darating na ngayong araw ang remote operated vehicle o ROV mula sa Estados Unidos na makakatulong sa naturang operasyon. Ayon kay Defense Sec. Voltaire Gazmin, maliban sa Sound Navigation And Ranging (sonar), gagamitin na rin  ang tinatawag na remote operated vehicle (ROV) para matukoy ang kinabagsakan ng eroplano.

Maging ang Pangulong Noynoy Aquino na dumating sa Masbate kahapon ay mananatili rin sa crash site hangga’t walang malaking development sa paghahanap.

Patuloy pa ring umaasa ang pamilya Robredo  na mahahanap na ang kanilang padre de  pamilya. Hiling nila ang patuloy na panalangin ng sambayanan para sa kaligtasan ni Robredo at grupo nito.

 

August 20, 2012 @ 12:20 PM