91.5 Big Radio
Gusto ko Daku!

BAGYONG HELEN NAKALABAS NA NG PAR

Tuluyan nang nakalabas ng Philippine Area of Reponsibility (PAR) ang Bagyong Helen at ibinaba na rin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang lahat ng public storm signals sa bansa.

Ayon sa PAGASA hindi direktang nakakaapekto ngayon sa bansa ang bagyo pero inaasahang paiigtingin pa rin nito ang umiiral na Hanging Habagat sa bansa na magdadala pa rin ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan sa Luzon at kanlurang Visayas.

Tinutumbok naman ngayon ni Bagyong Helen ang China.

August 16, 2012 @ 02:13 PM