91.5 Big Radio
Gusto ko Daku!

DJ Diwata

Pictures

Other DJs

Bigman DJ Justin Kiss 1233628_215815665248326_1316329071_n machobibbo

About DJ Diwata

Diwata

 

 

 

1. Bakit DJ Diwata ang pangalan mo?

Noong una, akala ko mema lang. Memapangalan lang sa’kin si Boss. Pero dahil sa lahat ng mga pambobola ng madlang pipol, naisip kong ako si Diwata kasi mala-Diwata raw ang boses at mukha ko. Yebah! Ang kumontra, mashushoot sa imburnal. Bwahaha!

2. Kung hindi ka DJ, anong trabaho mo?

Baka writer ako ng mga teleserye at ang title ng una kong isusulat ay “Kringkring at Pedring sa Mahiwagang Batis ng Aringkingking”. Bida siguro diyan si Judy Ann Santos tsaka si Wowee De Guzman plus Jolina Magdangal and Marvin Agustin. O diba, achib ang mga chubachuchu labteams.

3. Anong ginagawa mo kung hindi ka on-air?

Pakembot-kembot. Madalas sa harap ng computer habang nagfefezbuk at kumakain ng donut.

4. Saan ang paborito mong hangout place?  

Dati, sa bahay ng jowa ko. Kaso dahil break na kami, bet ko na ngayon maghangout sa bahay ng ex ko. Hehehehe.

5. Kung magdededicate ka ng kanta, anong kanta at para kanino?

Inaalay ko ang awiting Chiquitita ng ABBA para sa lahat ng mga haliparot at ispongklong sa mundong ibabaw. Sakto lyrics ‘nun! Check mo!

6. Sino ang crush mo at bakit?

Crush na crush ko talaga si John Lloyd Cruz. Muntik na nga akong manigas at di makapagsalita nung una ko siyang nakita. Buti na lang nakurot ko sarili ko sa singit.

7. Kwento mo ang most embarrassing moment mo in one sentence.

Noong high school, hindi ko alam na namigay pala ako ng free kuliti dahil sumakay pala ako ng jeep habang nakabukas pa ang zipper ng pantalon ko!!!!!

8. Ano ang favorite expression mo?

ANU DAAAAW?!?

9. Ano ang madalas itanong sa’yo ng mga tao?

Ah, talaga?

10. Ano ang gusto mong sabihin sa lahat ng nakikinig sa’yo? (Answer this in 5 words)

Bonggabells ka, halabyu so mats!!!

 

 

Photography by Toto Luna: www.juanlunatic.tumblr.com