1. Bakit DJ Boom Bayona ang pangalan mo?
Kaya BOOM kasi sumasabog sa lakas ang aking boses at kaguwapuhan. ‘Yung Bayona naman, apelyido ko ba. KABOOM!
2. Kung hindi ka DJ, anong trabaho mo?
Singer! Singer na tumatambling habang kumakanta. O ha, kaya niyo ‘yun? KABOOM!
3. Anong ginagawa mo kung hindi ka on-air?
Kumakanta. Eh sa magaling nga kasi akong kumanta! Nananawagan po ako sa lahat ng record labels. Puwedeng-pwede niyo po akong gawan ng album! Hahaha. KABOOM!
4. Saan ang paborito mong hangout place?
Marami! Sa mga coffee shops, sa malls, sa mga inuman, sa restaurants! Oo, ako na ang mahilig tumambling at gumala! KABOOM!
5. Kung magdededicate ka ng kanta, anong kanta at para kanino?
You Know I Can’t Smile Without You by Barry Manilow. Para iyan sa lahat ng mga miss beautiful na nakiki-tambling sa akin. KABOOM!
6. Sino ang crush mo at bakit?
Si Anne Curtis. Sana magkaroon kami ng pelikula. Lakas, tsong, lakas! Hahaha. KABOOM!
7. Kwento mo ang most embarrassing moment mo in one sentence.
Isang hapon, nasa Quezon Avenue Station ako ng MRT at masama ang pakiramdam ko kaya nagsuka lang naman ako sa harap ng isang basurahan habang nakaharap sa buong madlang people!
8. Ano ang favorite expression mo?
BOOM BOOM BOOM! TAMBLING! KABOOM!
 9. Ano ang madalas itanong sa’yo ng mga tao?
Sa Facebook, lagi akong tinatanong kung bakit hindi raw bagay ang boses ko sa mukha ko. Oo, alam kong kasalanan ang pagkakaroon ng pangit ng boses pero hindi ko naman kasalanang pinanganak akong guwapo at likas ang aking kakisigan. ‘Yun o! Ako na ang nagbuhat ng bangko! Pati sofa binuhat ko na rin! Hahaha. KABOOM!
10. Anong gusto mong sabihin sa lahat ng nakikinig sa’yo? (Answer this in 5 words.)
Salamat sa pakikitambling palagi! KABOOM!
Photography by Toto Luna: www.juanlunatic.tumblr.com