91.5 Big Radio
Gusto ko Daku!

TIPID TIPS, SUBUKAN NGAYONG PASUKAN

Nalalapit na naman ang pasukan at hirap na hirap ka nanamang pagkasyahin ang iyong budget. Kasabay ng problema sa pera ay ang kagustuhan mong matugunan ang lahat ng kailangan ng mga anak mo. Hirap talaga kapag naglalaban ang puso,isip at bulsa.

Kabigtime, alam ko ang pakiramdam ng ganyan kaya para kahit papaano makagaan, ito ang ilan sa mga TIPID TIPS na maaari mong subukan ngayon pasukan.

1.HINDI MASAMANG GUMAMIT NG LUMA- Piliin ang mga lumang school supplies na pwede pang magamit, isang halimbawa yung mga pahina ng notebook na wala pang sulat, pwedeng pagsama-samahin upang makabuo ng bagong notebook.

2. GO GREEN РGumamit ng mga lumang dyaryo, magazine o manila paper, imbes na plastic cover  bilang pambalot ng inyong mga libro at notebook. Makakatulong kana sa kalikasan malaki pa ang matitipid mo.

3. DUN TAYO SA DE-KALIDAD – Sa pamimili madalas dun tayo sa mas mura kahit na hindi mukhang matibay, sa pag-aakala na nakakatipid tayo mula sa maliit na diskwentong ibinibigay ni suki, ang di natin alam higit na magiging mas magastos ang paulit-ulit na pagbili ng bago pamalit sa nabili mong mura at madaling masira.

4. MAGBAON TAYO! – Imbes na magbaon ng pera mas makakatipid kung magbabaon ka nalang ng pagkain. Hindi pa malalagay sa alanganin ang iyong kalusugan, siguradong masustansya at malinis ang iyong kinakain.

5. TIPID NA HEALTHY KAPA -  Kung malapit lang ang paaralan at sa tingin mo ay ligtas naman, lakarin na lamang ito upang makatipid sa pamasahe. Isang paraan din ito upang maiwasan na maipit sa traffic, at higit sa lahat mabisang ehersisyo pa.

Ngayong ilang araw na lamang ang bibilangin bago ang pagbubukas ng klase, napapanahon ang mga SALE sa mga Malls at iba pang pamilihan. Samantalahin ang makukuhang discount ngunit huwag isawalang-bahala ang kalidad ng iyong bibilhin. Mainam na ilista ang lahat ng kailangan para isang puntahan na lamang, mas makakamura rin kasi kung maramihan o bultuhan ang iyong bibilhin.

Tandaan sa ganitong panahon kailangan maging wais, paglaanan ang mga importanteng pangangailangan at isantabi muna ang bagay na ayon lamang sa iyong kagustuhan.

May 29, 2012 @ 12:28 PM
Categories: Uncategorized